Donaire susuntok muli sa Mayo 28

SUSUNTOK mulis si WBC at WBO Bantamweight Champion Nonito “The Filipino Flash”
Donaire sa Mayo 28, 2011.

Ang labanang Donaire at WBA Bantamweight Champion Anselmo Moreno ng Panama ay kasalukuyang niluluto nila Top Rank Promoter Bob Arum at Manager ni Nonito na si
Cameron Dunkin.

Gusto ng Top Rank promoter na sa San Francisco Bay Area ganapin ang laban dahil dito lumaki si ‘The Filipino Flash’ simula nang lumipat sila sa Amerika. Mga 10 taong gulang pa lamang siya noon.

Ang naturang labanan ay magiging HBO main event at isang unification na sagupaan. Ito ay isa sa mga pangarap ni Donaire na tanghaling undisputed champion sa bantamweight bago pumaitaas ng timbang.

Si Moreno ay may kartadang 30-1-1 at may 10 knockouts. Nakuha niya ang titulo noong Mayo 2008 ng talunin niya ng split decision si Wladimir Sidorenko na pinatulog naman ni Nonito nitong Disyembre 2010. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply