DOST: Ipatupad, sundin ang Building Code

NANAWAGAN nitong Miyerkules, Marso 16, ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga building contractor, lokal na pamahalaan at iba pang sangay ng gobyerno na sundin at ipatupad ang Building Code of the Philippines upang matiyak na ligtas ang mga istruktura laban sa malalakas na lindol.

Sinabi ni Science and Technology Secretary Mario Montejo na nadiskubre nila na mas ligtas ang mga bahay sa Pilipinas laban sa lindol kung susunod lahat sa isinasaad ng batas matapos ang isinagawang “shaking table test” sa dalawang modelo ng bahay sa Pilipinas na isinagawa sa Japan noong Pebrero 24 bago maganap ang lindol.

“The lesson in all these is that Filipino homes generally safer from earthquakes just as long as they follow prescribed guidelines in our building code, including the use of construction materials that pass quality standards, there are no shortcuts to safety,” ayon sa DOST.

Isinagawa ng DOST ang panawagan makaraan ang pinakahuling naganap na pagguho sa isang poRsyon ng itinatayong gusali ng Eton Centris building sa Quezon City.  May 35 itinatayong gusali ang sinuspinde naman ang mga permits ng pamahalaang lokal ng Makati matapos na madiskubre ang maraming paglabag sa Building Code.

Matatandaan rin na ilang lumang gusali ang gumuho sa lungsod ng Maynila dahil sa kalumaan.

Napag-alaman din na maraming istruktura ang nasa listahan ng Bureau of Fire Protection na lumalabag sa naturang batas, kabilang ang mga paaralan, hotel at shopping mall.

Ayon sa DOST, importanteng mapatatag ang mga istrukturang itinatayo sa bansa dahil sa maraming lugar ang nasa “seismic prone areas”.

Dapat na ring higpitan umano ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga kabahayan ng mga pamilya na walang tamang pagpaplano at gumagamit ng mahinang kalidad na materyales.

Nakatakdang maglagay naman ng sariling “shaking table simulator” ang DOST sa bansa upang mapag-aralan ang tamang konstruksyon ng mga bahay na makakayanan maging ng mga mahihirap na pamilyang Filipino na makakalaban sa lindol. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply