DOTC bigong mapigil ang transport strike

NABIGO ang pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC ) na pakiusapan ang transport group para itigil ang planong tigil pasada na nakakasa sa Huwebes, March 31.

Ayon kay DOTC Usec. Dante Velansco pinakiusapan na nila ang Secretary General ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na si Geor San Mateo na ipagpaliban muna ang kanilang planong transport strike.

Iginiit umano ni San Mateo na hindi na umano nila iaatras ang tigil pasada na nakakasa na sa buong bansa.

Tinututulan ng Piston ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo sa produktong petrolyo na siyang nagbigay ng bigat sa bulsa ng mga Pinoy.

Gusto rin nila na ibasura ang Value Added Tax, at i-repeal ang Oil Deregulation Law. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply