Double dead na manok nakumpiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng pulisya ang may 300 kilo ng”double dead” na chicken meat sa kanilang checkpoint operation sa Bulacan.

Naaresto rin sa naturang operasyon ang isang tricycle driver na nagde-deliver ng mga naturang manok sa bahay-bahay sa Obando, ayon sa news report sa dzRH, Martes, Marso 15.

Nakilala ang naaresto na si Nelson dela Cruz, 44, na naaktuhan pang sumisigaw at inilalako ang naturang karne ng manok habang nagsasagawa ng checkpoint bandang 6 p.m., Lunes ang pulisya.

Ayon kay Dela Cruz, isang Boy San Luis ang nagbayad sa kanya upang ibiyahe ang naturang karne sa kanilang bahay galing sa slaughterhouse ng isang Virginia Berlucio sa Pulilan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ipinakita ni Dela Cruz ang ibinayad sa kanya upang ibiyahe ang mga naturang karne tatlong beses isang linggo papunta sa bahay ni San Luis.

Nabatid na ibabaon sa lupa ang mga naturang karne upang hindi na maibenta pa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply