Drama ni Toni Gonzaga: Paapi epek kay Ai Ai delas Alas, hahaha!

KAPURI-PURI naman ang kababaang loob na ipinakita ng versatile na aktres/TV host/singer na si Toni Gonzaga sa naging pahayag niya ukol sa kontrobersiya sa titulong Box Office Queen 2010.

“Si Ate Ai-Ai naman talaga ang Box-Office Queen, hindi naman kailangan talagang kuwestyunin yun. Kahit sino naman talaga, hindi magpoprotesta doon.

“Magaan na ang loob ko sa ganyang mga pangyayari. It will not make an artist less of a person kung wala talagang ganoon. Actually, iyong ganyang mga recognition, it will inspire you to be better para galingan mo pa lalo ang craft mo,” dagdag pa niya.

Tama nga naman si Toni, dahil sa rami ng blessings na dumarating sa kanya ngayon, dapat pa ba niyang pag-aksayahan ng oras ang mga intrigang hindi naman makakatulong sa kanyang career? “Ang importante, pinanood ng tao ‘yung movie naming “My Amnesia Girl.”  Iyon naman ang pinakamasarap na natatanggap ng isang artista, iyong maramdaman mo na pinanood siya ng mga tao,” nakangiting saad pa ni Toni.

oOo

Sa pagpasok ni Aga Muhlach sa TV5, lalong lumakas ang line-up ng lalong umaarangkadang TV network sa rosters ng mga bigating star. Bukod kasi kay Aga, nasa Kapatid Network din ang King of Comedy na si Mang Dolphy gayundin sina Susan Roces, Willie Revillame, Vic Sotto, Joey de Leon, Richard Gomez & Lucy Torres, Ruffa Gutierrez, Ryan Agoncillo at marami pang iba.

Malaking kawalan din si Aga sa ABS CBN-2, katunayan, may balitang umiyak si ABS-CBN President Charo Santos-Concio nang sabihin ni Aga na lilipat na siya sa TV5. Nonie Nicasio

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply