Dress Shop ng fashion designer nilooban sa Makati

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang fashion designer makaraang holdapin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang dress shop sa Makati city.

Pinangambahang balikan siya ng mga suspek kaya nagpasyang magreklamo ang biktimang si Pia Gladys Perey, 32, dalaga, residente ng 2443 Ruby St., San Andres Bukid, Manila.

Batay sa salaysay ng biktima kay SPO2 Arnulfo Ubalde ng Makati City police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), abala umano sila ng kanyang mananahi dakong 2:15 ng hapon nitong
Sabado, Marso 19, nang pasukin ng tatlong lalaki ang kanyang dress shop na nasa No. 9782 Kamagong St., Brgy. San Antonio Village, Makati City.

Tinutukan umano sila ng ‘di batid na kalibreng baril at isa-isang ipinasok sa loob ng comfort room bago itinali ang kanilang mga kamay at paa.

Nagpilit umano silang makaalpas sa pagkakatali at nang makalabas sa comfort room, natuklasan na nawawala ang kanyang Laptop, cell phone, electronic gadgets, salapi na nasa loob ng bag at iba pang mahahalang kagamitan sa dress shop

Ang mga suspek ay tumakas lulan ng isang tricyle na ginamit din mga holdaper nang pasukin ang dress shop.

Kinukuha pa ng awtoridad ang artist sketch ng mga suspek upang maging gabay para madakip ang mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply