Drilon pabor sa ARMM polls postponement

KINATIGAN ni Senator Franklin Drilon ang kagustuhan ng Palasyo na ipagpaliban ang eleksiyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakda sa Agosto.

Taliwas sa iginigiit ng mga hindi pabor sa postponement, iginiit ni Drilon na may mga konsultasyong isinagawa sa mga maaapektuhang komunidad sa ARMM bago mabuo ang desisyong ipagpaliban ang eleksiyon doon.

Ayon kay Drilon, pawang local politicians ang kinonsulta tungkol sa postponement at hindi naman aniya maaaring isa-isahin ang bawat isang tao sa ARMM para tanungin kung gusto o hindi ang postponement.

Una nang umalma si Senador Ferdinand  Marcos, Jr.,  sa kagustuhan ng administrasyon na ipagpaliban ang ARMM elections sa pagsasabing marami sa local officials sa ARMM ang hindi pabor sa panukala.

Maging sina Senators Juan Miguel Zubiri, Joker Arroyo at Miriam Defensor Santiago ay nagpahayag din ng pagtutol sa election postponement. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply