Driver minartilyo ng sinitang pasahero

DUGUANG nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang jeepney driver matapos martilyuhin ng kanyang pasahero na kanyang pinababa dahil sa paninigarilyo sa loob ng sasakyan sa Pasig City, kaninang madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ferdinand Melanio, ng Brgy. Palatiw, nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Marvin Ramos, 20, ng Brgy. Pinagbuhatan, nasabi pa ring lungsod.

Sa ulat, dakong 4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Mutya ng Pasig, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nabatid na sumakay ang suspek sa ipinapasadang jeep ng biktima na nakasindi ang sigarilyo dahilan para sitahin siya ng isa pang pasahero.

Pabalang naman na sumagot ang suspek ng “pakialam mo” dahilan para sampalin siya ng nasabing pasahero at para hindi na humaba pa ang usapan at maabala ang kanyang pamamasada ay inawat ni Melanio ang gulo at pinababa ang suspek.

Subalit ikinagalit iyon ng salarin na agad pinalo ng martilyo sa noo ang biktima. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply