Driver tinusok ng adik kritikal

KRITIKAL ang isang driver matapos saksakin ng lango sa droga, habang basag naman ang bungo ng una nang balikan ng palo ng bato sa ulo ng biktima, Martes ng gabi, Marso 23 sa Navotas City.

Kapwa nakaratay sa Jose Reyes Memorial hospital sina Jaypee Pangilinan sanhi ng tusok ng icepick, ng Block 4, Lot 13, 1st St., Barangay Tañong, Malabon City at Rolly Godonez, 28, ng Tuazon St., Barangay San Jose, Navotas, sanhi naman ng pagkabasag ng bungo nito.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerome Espina ng Station Investigation Division ng Navotas police, alas-11:30 kagabi nang maganap ang insidente sa M. Naval St., San Jose, nasabing lungsod.

May kausap sa cellular phone ang biktma nang dumating na pasuray-suray si Godonez at walang kaabog-abog na nagbunot ng icepick at tinusok sa katawan ang biktima.

Sakabila ng tama ni Pangilinan, au dumampot ito ng bati saka hinataw sa ulo ang suspek.

Nagkataon namang nagroronda ang mga barangay tanod na sina Terso Cruz at Restituto Dela Peña sa lugar kaya agad inaresto si Godonez at sabay na dinala sa pagamutan ang dalawa.

Sinasabing lango sa droga ang suspek nang maganap ang pananaksak. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply