Trike driver utas sa agawan sa pasahero

UTAS ang isang tricycle driver matapos pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng magpinsan na kapwa niya driver dahil sa agawan sa pasahero sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan si Rael Nimes, 32, ng Lily Oval st., Maligaya Park, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang magpinsan na sina Tammy Dural, 40 at Mark Anthony Dural, 19, ng Bahay Bukid, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 5:30 ng madaling-araw, sinita ng magpinsan ang biktima nang kumuha ng pasahero kahit hindi nauna sa pila sa Catleya st., Tala.

Nang pumalag ang biktima ay pinagtulungan siyang bugbugin hanggang sa pagsasaksakin ng magpinsan bago nagsitakas. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply