‘Dumi’ itatapon sana sa ilog, paslit nalunod

Rizal—Patay ang 7-anyos na batang lalaki matapos malunod nang mahulog sa ilog ng Taktak habang magtatapon sana ng “dumi” kanina sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Vinuya, ng Taktak Road, Brgy. dela Paz, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 9:00 ng umaga kanina, Marso 24 nang madiskubreng nalunod ang bata nang lumutang ang “Urine bowl” na huling nakita ng mga kapitbahay na bitbit ng biktima.

Dakong 1:00 naman ng hapon nang maiahon ang bangkay ng bata ng Philippine Coast Guard at Antipolo Rescue Team sa halos 40 feet na ilog.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Mary Grace, tulog pa ang kapatid nang iwan niya para mamalengke kaya laking gulat niya nang pagbalik ay nagkakagulo na ang kanilang mga kapitbahay.
Itinanggi rin nito na inutusan niya ang kapatid para magtapos ng dumi sa nasabing ilog. Jhie Convocar

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply