Dump truck nahulog sa bangin sa Isabela; 5 patay

NATAPOS ang buhay ng limang katao nang mahulog sa bangin sa Isabela ang sinasakyang dump truck, Miyerkules ng madaling araw, Marso 16.

Binabgatas ng nasabing sasakyana ang kalsada sa Kapaya, Nueva Vizcaya papuntang Benguet ng mahulog ito sa isang bangin.

Sa ulat ni S/Insp. Jeoffrey Bulong, hepe ng PNP Kayapa na posibleng nawalan ng preno ang dump truck at dumire-diretso ito sa bangin dahil sa pababa ang nasabing daan.

Lulan ng dump truck na may plakang UTP 733 ang isang babae at apat na lalaki. Kargado din ito ng limang tonelada ng waste material mula sa isang minahan at dadalhin sa Benguet.

Kasalukuyang kinokontak na ng awtoridad ang mga contact numbers na nasa cell phone ng babaing biktima na nakuha mula dito upang ipaalam sa mga ito ang sinapit ng mga biktima. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply