Earth Hour dapat suportahan– Sec. Paje

NANAWAGAN Lunes ng umaga, Marso 21 si Environment Secretary Ramon Paje sa lahat ng Filipino na suportahan ang  Earth Hour sa darating na Sabado, March 26.

Aniya, dapat makiisa ang publiko sa pagpatay hindi lamang ng ilaw at mga non-essential electrical appliances, kundi lahat ng switch upang mabawasan ang carbon stress ng Planet Earth at ng mga taong nakatira dito.

Isasagawa ang Earth Hour 2011 sa Sabado, March 26, mula 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi  (oras sa Pilipinas).

Lahat ng tao, mga negosyo at komunidad sa buong mundo ay hinihikayat na huwag gumamit ng kuryente sa loob ng isang oras bilang kabawasan sa tumataas na global warming.

Sa loob ng dalawang taon, ang Pilipinas nakakuha ng record na pinakamaraming bilang ng mga sumaling munisipalidad at siyudad sa Earth Hour sa buong mundo.

Sa ngayon, muling nanawagan si Paje sa mga Filipino na makiisa at bawasan ang kanilang carbon footprint sa pamamagitan ng pagpapababa ng kanilang electrical consumption sa loob ng isang oras.

Aniya, napakalaking tulong nito para mabawasan ang emission mula sa carbon dioxide at fossil fuel, na nakadaragdag sa pagbabago ng klima.

Higit pa rito, hiniling din ni Paje sa mga Pinoy na iwasan ang pag-aaksaya ng kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng cleaner alternatives sa fossil fuels. Hinikayat din niya ang mga Pinoy na palagiang maglinis ng paligid at magtanim ng mga halaman na nakatutulong upang magkaroon ng sariwang hangin.

Aniya, ang lifestyle ay ecological responsibility at disiplina na hinihiling ng Earth Hour ay dapat ugaliin para sa ikabubuti ng lahat. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply