Earthquake awareness workshop ng Phivolcs

DAHIL sa sunud-sunod na malalakas na paglindol sa iba’t ibang parte ng mundo ay nagsagawa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng workshop ukol sa earthquake awareness sa main office ng naturang ahensya sa Quezon City.

Ang nasabing workshop ay tinawag na “Enhancement of Earthquake and Volcano Monitoring, and Effective Utilization of Disaster Mitigation Information in the Philippines.”

Ito ay isinusulong sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ng Japan na nilindol ng 7.2 magnitude ng Miyerkules, Marso 9.

Sa workshop, ipinakita ang kahalagahan ng pagsunod sa Building Code. Naipakita sa workshop na bahagya lamang ang pinsala ng malakas na lindol sa bahay na sumunod sa Building Code kumpara sa hindi sumunod.

Ayon sa panayam ng DZMM kay Phivolcs Director Renato Solidum na kung nakasusunod lamang sa Building Code, paggamit ng tamang kalidad ng materyales at mahusay na pagtatrabaho sa pagtatayo ng bahay ay mas ligtas ang mga ito sa malakas na paglindol.

Sinabi rin Solidum na plano nilang gumawa ng self-assessment questionnaire o checklist para sa mga mamamayan upang malaman kung nasa maayos na kalagayan ang mga bahay. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply