Ecleo case dapat munang busisiin bago husgahan

KUNG ako ang tatanungin ninyo, hindi dapat na husgahan kaagad  si Dinagat Island Cong. Ruben Ecleo Jr., dahil lang sa maling “impo” at malabong balita.

May naglabas kasi kamakailan ng warrant para hulihin si Ecleo bagama’t mayroon itong naka-pending na petisyon sa Supreme Court na harangin ang hatol sa pamamagitan ng temporary restraining order. Ang batayan sa utos na hulihin si Ecleo ay dahil sa pagbasura sa 2 naunang petisyon na kinukuwestiyon sa Supreme Court ang kanyang conviction.

Nakasalalay sa petisyon ang kalayaan ni Ecleo. Dapat resolbahin ang mga isyu kung siya ba ay nabigyan ng tamang proseso o napre-judged ang kanyang kaso at totoo bang gumawa siya ng graft na tulad ng ibinibintang sa kanya? Dapat itong solusyunan muna bago isa-pinal  ang parusang ipinataw kay Ecleo kung dapat siyang ikulong.

Bagama’t sa maraming pagkakataon ang desisyon ng hukuman ay pinal na, may sitwasyon na nag-uutos ang Korte Suprema na bigyan  ng pagkakataon ang nasasakdal na maglabas ng makabuluhang argumento at katwiran para mabaligtad ang hatol ng hukuman.Ito ang ginawa ni Ecleo nang mag-file  siya ng Extreme Urgent Motion  para patunayan na inosente siya sa bintang sa kanya.

Bookies ng STL namamayagpag

Sa San Pablo at iba pang bayan sa Laguna at  Quezon Province, makikita ang operasyon ng bookies ng STL ni Don Ramon (Ramon Brizuela). Hindi mapatigil ang bookies nito dahil mula sa mayor, v-mayor, congressman, city councilor at barangay officials ay pawang mga “timbrado” ng iligal na sugalan nito.

Ibang klase ang koneksyon ni Don Ramon dahil busog ang lahat.

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply