Edad dose puwede nang makulong

MAAARI nang makulong ang mga batang edad 12 hanggang 15 kapag nagkasala.

Ito ay sa kasalukuyang inihain ni Cong. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City na panukala sa kamara. Ang naturang bill ay mag-aamyenda sa Republic Act 9344 o ang tinatawag na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Inihain niya ang panukalang batas bunsod ng pagdami ng ulat na ginagamit ng mga sindikato ang mga bata sa masasamang gawain sa katuwirang hindi naman ito makukulong.

Sa naturang proposal, ibababa nito ang age bracket ng 12-15 kumpara sa 15-18 sa naturang umiiral na batas.

Idiniin rin ng mambataas na ang DSWD parin ang mamamahala sa mga bata subalit pagdating sa tamang edad ay ililipat na ito sa ibang kulungan.

Sa RA 9344, ang mga batang mas mababa ang edad sa 18 na nagkakasala ay ligtas sa anumang kriminal na kaso subalit kailangan silang kunin ng DSWD para maturuan ng tama bago palabasin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply