Egypt OK sa Cha-cha

MATAPOS ang referendum na isinagawa sa Egypt, lumabas na karamihan ay gustong magkaroon ng pagbabago sa kanilang konstitusyon.

Tinatayang 77 percent ang sumasang-ayon na magkaroon ng Cha-cha upang magkaroon ng malayang eleksiyon at mabilis ang pagbangon at pag-unlad ng bansa.

Sa panahon ni dating Presidente Hosni Mubarak ay tila alam na ng karamihan ang kakalabasanng eleksiyon kung kaya’t ayaw na ng mga taga Ehipto na sumali sa
halalan.

Ayon kay Mohammend Ahed Attiyah, hepe ng supreme judicial committee, 18.5 katao ang bumuto para sa Cha-cha. Ang naging turn-out ay 41.5% sa kabuuang 45 milyong botante.

Ang pangunahing babaguhin sa kanilang konstitusyon ay ang pagpapababa ng termino ng presidente sa apat na taon mula sa dating anim na taon. Pangalawa ang pagtatalaga ng isang deputy sa loob ng tatlumpong araw pagkatapos ng eleksiyon at pangatlo, dapat higit 40 na taong gulang na ang tatakbong presidente at dapat ang asawa nito ay isang taga Egypt. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply