Electrician patay sa saksak

SA DIBDIB pinuntirya ng sunud-sunod na saksak ng hindi pa kilalang salarin ang 50-anyos na electrician habang naglalakad pauwi Lunes ng madaling araw, Marso 21, sa Las Pinas City.

Nakatakbo pa patungo sa  guard house sa kahabaan ng Daang Hari, TS Cruz, Almanza, ang bikitmang si Danilo Hallare, residente ng Blk 7 Lot 40 Jasmin St., TS Cruz Subdivision, Almanza subalit bumulagta na bago pa man makahingi ng
tulong sa guwardiyang si Dean Mark Ungria ng Emirates Security Agency.

Lumabas sa imbestigasyon nina SPO1 Ernesto Bautista, Jr., at PO2 Danilo Esquerra ng Criminal Investigation Division ng Las Pinas police, nangyari ang insidente ng pananaksak dakong alas-2:35 ng madaling araw habang naglalakad ng pauwi ang biktima sa malapad na lansangan ng Daang Hari.

Ayon sa isa sa mga anak ng biktima na si Elaine Hallare, nasa hustong gulang, wala silang alam na kaaway ang kanilang ama bagama’t noon aniya ay napalinya ito sa pagkakabit ng ilegal na koneksiyon ng kuryente sa kanilang lugar subalit matagal na aniya itong tumigil sa ilegal na gawain.

May hinala ang pulisya na may kaugnayan sa pagkakabit ng ilegal na koneksiyon ng kuryente ang pamamaslang sa biktima bagama’t masusi pa ring inaalam ng pulisya ang iba pang aktibidad ng biktima na posibleng naging sanhi ng pagpatay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply