Emergency powers kay PNoy siyasatin—Bayan Muna

DAPAT munang pag-aralan ang mga plano ng pamahalaan bago pagkalooban ng emergency powers si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, posibleng maging daan ng korupsyon ang emergency powers dahil sa papayagan nito ang pamahalaan na bumili ng mga kagamitan na walang bidding o konsultasyon sa publiko.

Binigyang diin din ni Colmenares na kailangan munang malaman ang lalim ng problema at ang mga planong hakbang ng pamahalaan upang malutas ito.

Dagdag nito, mahalagang mayroong hawak na malaking kumpanya ng langis ang pamahalaan upang malaman kung magkano ang tunay na halaga ng produktong petrolyo.

Naniniwala si Colmenares na mayroong pera ang pamahalaan lalo na kapag natuldukan ang korupsyon sa pamahalaan Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply