Energy chief sinalo ng Malakanyang

IDINEPENSA ng Malakanyang si Energy Secretary Jose Almendras sa kabila ng panawagan ng ilang sektor na magbitiw na ito sa tungkulin dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ani deputy presidential spokesman Abigail Valte, nagpaliwanag na si Almendras sa mga dahilan kung bakit hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa at ito ay bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa.

Binigyang-diin ni Valte na hindi lamang sa Pilipinas tumaas ang presyo ng langis kundi maging sa ibang bansa.

Gumawa na aniya ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang problema, kabilang ang pagbuo ng inter-agency body para magsasagawa ng pag-aaral laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Valte, kabilang sa pinag-aaralan ay ang pag-angkat ng produktong petrolyo sa bansang Russia at Brunei.

Ngayong linggong ito ay dalawang beses na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagtaas ng presyo nito sa world market. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply