Epekto ng lindol sa Japan dapat paghandaan – Senado

NANAWAGAN ang Senado na kumilos agad ang pamahalaan upang mapaghandaan ang posibleng epekto ng naganap ng 8.9 lindol sa bansang Japan.

Kasabay nito, ang pakikiramay nina Senators Loren Legarda at Francis Escudero hindi lamang sa mga Hapon kundi sa mga Pilipinong naninirahan sa nasabing bansa.

Ayon kay Escudero, kailangan paigtingin ang kapabilidad ng disaster risk management dahil na rin sa ang Metro Manila ay napapaligiran ng fault line.

Base sa pag-aaral ng JICA sa bansa, partikular sa Metro Manila, posible itong yanigin ng lindol na may 7.2 magnitude.

Dahil dito, hiniling ni Escudero ang full audit ng Metropolis resources upang malaman kung may sapat na kagamitan at personnel para sa posibleng kalamidad na maganap sa bansa.

Sinabi naman ni Legarda, chairman ng senate committee on climate change na ang pataas ng frequency at magnitude ng lindol ay nangangailangan ng maagang aksyon.

Aniya, ang tsunami alerts ay agad na maipatupad para sa agarang paglilikas sa sandaling tumama sa bansa ang epekto ng lindol sa Japan.

Binigyang diin ni Legarda na malaki ang posibilidad na makaranas ang Pilipinas ng malakas na pagyanig.

Tinukoy nito, ang 19 na lalawigan na maaaring tamaan ng one meter tsunami waves sa pagitan ng 5 p.m. at 7 p.m. kasama ang Batanes Group of Islands, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Quezon, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental at Davao del Sur. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply