Estafa ikinaso sa manpower agency

KINASUHAN ng estafa ng Samsung Electronics Philippines Corp. o SEPCO sa Department of Justice ( DOJ) ang isang manpower agency.

Partikular na ipinagharap ng reklamo ang mga opisyal ng Temps and Staffers Inc. o TSI na sina  Vivian Anastacio-Guerrero, Arturo Guerrero, Heidelyn Concepcion, Maila Hermosura at Godwin Cornista.

Ayon sa SEPCO, dumanas sila ng matinding pinsala dahil sa pagtatangka ng mga respondent na paralisahin ang kanilang operasyon.

Nag-ugat ang kasong estafa sa desisyon ng TSI na huwag nang i-renew ang kanilang kontrata sa SEPCO bilang supplier ng mga promoter at merchandiser.

Una nang naghain ang TSI ng kasong illegal recruitment na may kinalaman sa economic sabotage laban sa SEPCO sa DOJ.

Bukod sa kasong estafa, ipinagharap din ng SEPCO ng reklamong libelo sina Guerero at ang abugado ng TSI na si Bertrand Baterina makaraan nilang akusahan ang SEPCO sa media ng pagiging illegal recruiter, swindler at magnanakaw.

Hindi naman isinama sa mga kinasuhan ng libelo ang mga mamamahayag at media organization dahil sila ay mga recipient lamang ng maling impormasyon na nanggaling kina Anastacio-Guerrero at Baterina.

Itinanggi na ng SEPCO ang paratang ng TSI dahil malabo umanong masangkot sa illegal recruitment ang kanilang kumpanya dahil ang kanilang negosyo ay ang pagdidistirbute ng mga produkto ng Samsung at hindi naman pagrerecruit ng mga promo-merchandiser.  Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply