Estribo Gang umatake; mga pasahero nalimas

TINATAYANG aabot sa halagang P33,000 ang natanggay ng tatlong di-nakikilang lalaki matapos holdapin ng mga ito ang walong pasahero ng isang pampasadang dyipni sa Quezon City Huwebes ng umaga, Marso 10.

Nagreklamo sa himpilan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 12 ang mga biktimang sina Annie Rachelle Capindong, Abegail Charito Cruz, Conrad Villamonte, Jemary Catherine Delos Santos, Edwin Robert De Necolas, Mark Aljohn Cantos, Edgardo Garcia at ang drayber ng dyipni na si Al Esperanza.

Lumitaw sa imbestigasyon na naganap ang holdapan pasado 8:30 ng umaga sa kahabaan ng E. Rodriguez Jr. Ave., Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Ayon kay Esperanza, sumakay ang mga suspek sa Cubao sa kanyang sasakyan na pabiyaheng Rosario, Pasig City.

Pagsapit umano nila sa  Barangay Murphy ay bumunot ng patalim ang tatlong holdaper, tinutukan ang mga pasahero at nagdeklara ng holdap.

Matapos kulimbatin ang cash at mga kagamitan gaya ng cell phone at iba’t ibang kagamitan ay  mabilis na tumakas ang mga salarin sa kahabaan pa rin E. Rodriguez Ave. Alex Ching

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply