Estudyante nagbigti dahil ‘di gagradweyt

DAHIL sa hindi makakagradweyt, minabuti ng isang college student ang wakasan ang kanyang buhay sa loob ng inuupahan nito sa C. Santan st., Potrero, Malabon City, Martes ng umaga.

Patay na nang makita ang biktimang si Calvin Leyco, 21, graduating student ng kursong hotel and restaurant management sa Fatima University.

Sa ulat, dakong alas-nuwebe ng umaga nang makitang nakabigti ang biktima sa kuwarto nito gamit ang blanket.

Nabatid sa mga kaanak ng biktima na nakarating na sa mga magulang ni Leyco sa probinsiya na hindi ito makakasama sa mga makaka-graduate ngayon taon.

Magmula umano noon ay naging malulungkutin ito hanggang sa makita itong nakabigti.

Inaalam pa rin ng mga pulis kung may naganap na “foul play” sa pagkamatay ng biktima. Rene Manahan

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply