Estudyante nakuryente, patay

PATAY ang isang 16-anyos na estudyante matapos itong makuryente sa hinawakan  nitong live wire, Linggo ng hapon, Marso 6 sa Luneta Park, Maynila.

Dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Anthony Paul Cabillos, graduating student sa Rajah Sulayman High School, ng 475 Area B., Parola Compound, Tondo Maynila.

Ayon sa ulat ni SPO3 Danilo Vidad ng Manila Police District-homicide section, galing umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan dakong alas-kuwatro ng hapon sa breakwater upang maligo.

Sinabi ni Francis Dumanglas, 13, kaibigan ng biktima, nakita umano nila ang tatlong kabataan na nagpuputol ng mga kable ng koryente, para nakawin nang mapadaan sila sa lugar.

Nakita naman ng biktima ang isang putol na wire kaya dinampot nito para itabi ngunit paghawak nito sa kable ay bigla na lamang itong nangisay at nakapagsalita pa ng, “nakuryente ako.”

Sinabi ni Dumanglas na nakatakbo pa ang biktima, pero bumagsak rin, kaya mabilis niya itong isinugod sa hospital.

“Nakita naming namumutla na siya at tumitirik na ang mata, pagdating sa ospital, wala na… patay na siya,” malungkot na sinalaysay ni Dumanglas.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Patrick Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply