Estudyante utas sa tarak habang nagbibisekleta

UTAS ang isang estudyante nang mapagtripang saksakin habang lulan ng bisekleta sa San Andres Bukid, Manila.

Kinilala ang biktimang si  Manuel del Rosario, 3rd year student, ng 2640 Oro B St., San Andres, Bukid.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek na hinihinalang  may matagal nang galit sa binatilyo.

Sa imbestigasyon ni Det. Alonzo Layugan ng MPD-Homicide Section, 8:20 ng gabi, Marso 18 nang maganap ang insidente sa harap ng isang bahay sa 1701 Augusto Francisco malapit sa panulukan ng Onyx Sts., San Andres, Bukid.

Ayon sa ama ng binatilyo, huling nakitang buhay ang kanyang anak habang paikot ikot sa kanilang lugar lulan ng bisekleta. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply