Ethics case isasalubong kay Lacson

SA harap ng pahiwatig ni Senate President Juan Ponce Enrile na nakatakda nang lumutang si Sen. Panfilo Lacson, nakaamba naman ang isang hiwalay na pagdinig ng Ethics committee na nakahain laban sa kanya.

Naunang ipinahiwatig ni Enrile na malamang malapit nang lumutang si Lacson dahil hiniling ng ilang staff nito na pabuksan ang kanilang tanggapan na ipinasara ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon.

Ayon kay Enrile, kakausapin niya ang Secretariat ng Senado upang matukoy kung pupuwede nang buksan ang tanggapan nito sa napipintong pagbabalik ni Lacson.

“There was a request by his staff if I could order the opening of the office of Senator Lacson. I do not know when he will come but there was a request from his staff. So, I assume that he’s about ready to come back. I’m going to talk to the Secretariat today to let the staff reopen the office of Senator Lacson,” ayon kay Enrile.

Sinabi naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na isang pagdinig ang nakatakdang sumalubong kay Lacson sakaling bumalik sa pagbubukas ng Senado sa Mayo 9.

Gayunman, posibleng gawin lang ito sa araw ng Huwebes o Biyernes ng umaga upang hindi makagambala sa impeachment trial kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ipinaliwanag ni Cayetano na kailangan nilang dinggin ang kaso ni Lacson upang hindi mapagbintangan na habang nililitis si Gutierrez ay binuburo naman ang kaso ng kanilang kabarong si Lacson.

Nagpulong ang komite ni Cayetano kanina upang balangkasin ang rules bago paaprubahan sa mga miyembro ng komite, sampung araw bago magbukas ang sesyon ng Senado sa Mayo 9.

Sa kasong inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa ethics committee, hiniling nila na patalsikin si Lacson dahil sa hindi nito pagdalo sa sesyon ng Senado.

Si Lacson ay umalis sa bansa patungong Hong Kong noong Enero 5, 2010, ilang araw bago kasuhan ng Department of Justice ng double murder sa pagpatay diumano kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong taong 2000.

Ang kasong nabanggit ay kasamang ibinasura ng arrest order ng Court of Appeals (CA) kamakailan.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply