Eula Valdez, Ariel Rivera balik-Kapamilya

MASAYA ang nagbabalik-Kapamilya na sina Eula Valdez at Ariel Rivera, na matagal ding nasa bakuran ng mga Kapuso.

Makakasama sina Eula at Ariel sa remake ng hit series ni Claudine Barreto, Rico Yan at Diether Ocampo na “Mula sa Puso.”

Si Eula ang gaganap sa karakter ni Selina, na ginampanan ni Princess Punzalan, na talaga namang kinainisan ng bayan dahil na rin sa husay ng pagkakaganap niya dito.

Gagampanan naman ni Ariel ang role ni Juan Rodrigo bilang Don Fernando, ang ama ni Claudine (Via) sa nasabing serye.

Balik-teleserye ulit si Dawn Zulueta sa papel na Magda, na ginampanan ni Jacklyn Jose noon.

Samantala, iisa lang ang tanong ng bayan sa nasabing remake na ito ng Mula sa Puso: “Mapantayan kaya nito ang dating version?”

Noon ay minahal ng manonood ang Mula sa Puso dahil sa husay ng mga nagsipagganap dito. Sa nasabing serye din unti-unting nag-bloom ang career ni Claudine.

Kagaya ng remake ng “Mara Clara,” batang version din ang magsisipagganap sa tatlong bidang role nina Claudine, Diet at Rico Yan.

Gaganap bilang Claudine (Via) ay si Lauren Young, kay Rico (Gabriel) naman ay si JM Guzman at ang kay Diet (Michael) ay si Enrique Gil, na pawang mga alaga ng Star Magic ng Dos.

Sumikat kaya ito o kaya ay makapantay man lang sa version nina Claudine?

Ang remake na ito ay muling ididirek ni Wenn Deramas, ang original director ng nasabing teleserye. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply