Ex-General David bagong BI commissioner

NAKOPO ng kareretiro lang na si dating Armed Forces chief Ricardo David Jr. ang Bureau of Immigration (BI) bilang bagong commissioner nito.

Pormal nang tinanggap ni David ang posisyong una nang inalok ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanya.

Nakatakdang magsimula si David sa kanyang posisyon sa Lunes.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, posibleng ibalik si Ronald Ledesma, kasalukuyang officer-in-charge ng BI, bilang chief ng Board of Special Inquiries.

Sinabi ni Lacierda na inaasahan ng Malakanyang na malilinis ni David ang BI sa mga katiwalian dito.

“Mr. David’s integrity and professionalism will be instrumental in the efforts of the immigration authorities to cleanse its ranks and purge its services of past abuses and misuse of authority,” ayon sa presidential spokesman.

Magugunitang sa ginanap na turn-over of command sa Camp Aguinaldo nitong nakaraang Lunes.

Sa araw na nabanggit ay nagpahiwatig si Pangulong Aquino na may naghihintay na bagong posisyon sa gobyerno para kay David.

Nilinaw ni Lacierda na ang pagkakatalaga kay David sa BI ay walang kinalaman sa kontrobersiyang hinaharap ng BI na pagpapa-deport sa 14 na Taiwanese nationals patungong China sa kabila ng nakabinbing kaso sa Court of Appeals at sa Department of Justice (DOJ).

Ang nasabing kontrobersiya ay ikinagalit ng Taiwan na naging dahilan para magpadala ng high-level mission ang Palasyo.

Ayon kay Lacierda, ipinahayag na ni Pangulong Aquino na nais niyang italaga si David sa BI bago pa man ang isyu ng deportation.

“He (President Aquino) has already mentioned that he wanted General David to remain in government service and he had in mind the position of the immigration commissioner,” aniya. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply