Ex-mayor 6 buwan kulong sa hindi maipaliwanag na gastos

SINENTENSIYAHAN ng Sandiganbayan ang dating alkalde ng Balingoan, Misamis Oriental ng anim na buwan na pagkakakulong matapos mabigong ipaliwanag kung saan niya ginastos ang nakuhang cash advances noong 2004.

Sa 36 pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Gregory Ong ng Anti Graft court, 4th Division ng Sandiganbayan, napatunayang nagkasala si ex-Mayor Edgar Santos matapos hindi ma-liquidate ang mga nagastos na paglabag sa ilalim ng Article 218 ng Revised Penal Code.

Batay sa record, lumilitaw na si Santos, noon ay Municipal Mayor ng bayan ng Balingoan ay pinayagang makapag-cash advance ng Php 55,000 para sa kanyang travel expenses patungong Manila mula Pebrero 13 hanggang 20, 2004.

Ngunit nabigo umano si Santos na maisumite ang ulat kung saan ginastos ang nasabing cash advance na paglabag  sa Commission on Audit, Circular 002.

Nilalaman ng circular na lahat ng cash advances na ginamit ng mga lokal na opisyal sa kanilang mga lakad ay nararapat na i-liquidate sa loob ng 30 araw matapos makabalik ang sino man sa kanilang opisyal na trabaho. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply