Ex-US Secretary of State patay na

PUMANAW na ang dating U.S. Secretary of State Warren Christopher dahil sa komplikasyon sa sakit na kanser sa kanyang kidney at bladder, ayon sa kanyang pamilya.

Si Christopher ay isang abogado at nagsilbi taong 1993 hanggang 1997 sa termino ni President Bill Clinton. Dating deputy secretary of state din siya sa liderato ni President Jimmy Carter.

Naging tanyag ang dating secretary of state nang pangunahan niya ang pakikipagnegosasyon para sa pagpapalaya ng 52 na amerikanong hostage sa bansang Iran.

Ginawaran si Christopher ng Medal of Freedom ni President Carter taong 1981. Ito ang pinakamataas na award na ibinibigay sa isang sibilyan sa bansang Amerika.

Lubha namang ikinalungkot ni dating presidente Clinton ang kanyang pagpanaw. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply