Ex-vice mayor at misis tinambangan, sugatan

SUGATAN ang dating vice mayor ng Lingayen, Pangasinan at ang misis nitong kapitan ng barangay makaraang barilin ng dalawang di nakilalang salarin sa naturang lalawigan, gabi ng Marso 4.

Nagpapagaling na sa ospital sa lungsod ng Dagupan si dating vice mayor Lingayen Ramon Arcinue at ang misis nitong si Zohorayda Arcinue, kasalukuyang kapitan ng Barangay Poblacion Sur matapos barilin ng salarin sa Binmaley, Pangasinan.

Nabatid kay Supt. Frankline Candelario, hepe ng Binmaley PNP, pauwi na sa kanilang tahanan ang mga biktima galing Dagupan lulan ng kanilang kotse na may plakang AEB-486 nang biglang mag-overtake ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki na naka-helmet at jacket at agad silang pinagbabaril.

Kapwa nagtamo ng dalawang tama ng bala sa tiyan ang mag-asawa mula sa kalibre .45 na baril.

Sinasabing isang driver ng truck ang nakasaksi sa insidente na siya na ring nagdala sa ospital sa mga biktima.

Nasa mabuti nang kalagayan ang mga biktima ngunit nananatili pa rin sa intensive care unit (ICU).

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya na inaalam ang motibo ng pamamamaril at pagkakakilanlan ng mga tumakas na salarin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply