‘Execution sa China’ leksyon sa lahat

KASABAY nang pakikidalamhati ng Malakanyang sa pamilya ng tatlong Pilipino na binitay sa China ay nagpahayag ang Palasyo na ang nangyari ay malaking leksyon para sa lahat.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakikiisa sila sa pagluluksa ng sambayanan lalo sa mga naulilang pamilya at umaasang magiging matatag sila sa gitna ng trahedya.

Dagdag nito, magsilbing leksyon umano ang insidente sa lahat dahil maliban sa buhay, sinisira din ng iligal na droga ang buong pamilya.

Paalala rin ng Palasyo na huwag pagagamit sa mga iligalista kapalit ng malaking halaga ng salapi at huwag basta-bastang pagtitiwala sa kahit sino.

Tiniyak din ng opisyal na pursigido silang tapusin na ang ganitong kalakaran ng mga sindikato kung saan mga inosenteng kababayan ang nagagamit sa drug trade. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply