Farehike sa bus iuumang

NAKATAKDANG magpatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) ng provisional increase sa mga ordinary/ non – aircon bus at aircon bus iniulat kanina ni spokesperson Sonia Untalan –Del  Mundo ng LTFRB.

Ayon kay del Mundo sa ordinary at aircon bus ay P1.00 provisional ang dagdag sa pasahe bunsod nito ay tataas sa P12.00 ang pasahe sa  aircon bus sa unang limang  kilometro habang P2.20  sa mga  susunod na kilometro at 10.00  sa ordinary buses sa Metro Manila.

Ito ay epektibo sa March 29,2011, araw ng Martes sa Metro Manila.

Sinabi pa ni LTFRB Public Information Office at Spokesperson Del Mundo, matagal na ang hirit  na dagdag pasahe  ng mga operator ng bus sa Metro Manila at ipinatupad muna namin ang provisional  increase habang patuloy ang walang prenong oil price hike sa bansa.

Magkakaroon pa ng mga pagdinig ang hirit na dagdag pasahe sa ordinaryon at aircon na pampasaherong bus depende  sa petisyon na ihahain ng mga bus operator sa LTFRB. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply