Fashion designer, natangayan ng P1.1M

NATANGAY sa isang fashion designer ang isang bag na naglalaman ng tinatayang aabot sa halagang P1.1 million matapos itong masalisihan sa loob ng isang restaurant sa Malate, Manila, iniulat ngayon, Miyerkules ng umaga, Marso 23.

Personal na dumulog sa Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section ang biktimang si Remedios Robles, 59, ng Unit 16 at 17, 5th floor ng Elan Condominium , Annapolis Street Greenhills,  San Juan City.

Dakong ala-una ng hapon nitong Lunes nang mawala ang itim niyang bag habang kumakain sa Aristocrat restaurant, Roxas Boulevard, Malate.

Sa reklamo ng biktima, ipinarada umano nito ang kanyang kotse sa harapan ng nasabing restaurant at habang kumakaian ito ay tinawag siya ng isang lalaki at nagsabing may gumagasgas sa kaniyang sasakyan.

Lumabas naman ang biktima upang alamin ang sinabi ng lalaki nang pagbalik niya kanyang mesa ay nawawala na ang kaniyang bag at umalis na rin umano ang isang grupo na binubuo ng 2 babae at 3 lalaki.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang limang miyembro ng “Salisi Gang” kabilang ang dalawang babae na tumangay ng bag ni Robles na naglalaman ng alahas at cash na nagkakahalaga ng P1.1 milyon.

Tiningnan ng mga pulisya ang record ng closed-circuit television (CCTV) ng restaurant subalit hindi makilala ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply