FDA sinimulan ang pagsusuri sa produktong pagkain mula sa Japan

SINIMULAN na ng pamunuan ng  Food and Drugs Administration (FDA) ang pagsusuri sa lahat ng produktong inangkat mula sa Japan para alamin kung ito ay posibleng kontaminado ng radiation.

Sa inilabas na advisory Lune ng umaga ni FDA chief Suzette Lazo, ang kanyang tanggapan at ang Department of Health (DOH) ay nakikipag-ugnayan sa Philippine Nuclear Research Institute kaugnay sa radiation level sa lahat imported food mula sa Japan.

Ang FDA ay nagsasagawa na ng “sampling” sa  mga produktong inangakat sa bansang Japan para masukat ang baseline radioactivity level ng mga ito

Nakasaad sa advisory ni  Lazo, ang kasalukuyang  buffer stocks na inangkat ng basa ay ginawa bago maganap ang nuclear crisis sa Japan.

Samantala, ipinahayag ng FDA sa paniniguro ng PNRI na ang bansa ay nananatiling ligtas sa radioactive plume mula sa Japan.

“The public is advised not to be alarmed on possible radiation arising from the Fukushima incident,” ayon kay Lazo.

Ang ginawang food testing sa mga in-import mula sa Japan ay batay sa pahayag ng pamahalaan nitong nakaraang linggo na ang produktong gulay na nanggalins sa  Ibaraki Prefecture ay posibleng kontaminado radiation level at lumagpas pa sa legal limits.

Maliban sa mga gulay kabilang sa mga sinusuri ay ang seafood, fruits, vegetables at meat na inangkat sa Japan matapos ang March 11, kung kailan tumama ang magnitude 8.9 na lindol na sinundan ng tsunami dahilan upang mapinsala ang nuclear power plant sa Japan na dahilan ng nuclear crisis doon. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply