FDA todo bantay sa imported products

MAHIGPIT na binabantayan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga produktong pumapasok sa Bureau of Customs lalo na ang mga inangkat na pagkain mula sa paligid ng nasirang nuclear plant  sa Japan pagkalipas ng Marso 11.

Ayon sa talaan ng Customs, wala umanong pumasok na pagkain mula sa malapit sa plantang nukleyar sa Japan makaraan ang pagsabog na naganap dito.

Sa pagsusuri ng ay lumabas na 24 na mga importer ng mga processed foods mula Japan ang rehistrado sa Customs.

Ang mga inaangkat ng mga ito ay mga noodles, bigas, snacks, kape, tsaa, condiments, milk chocolates at seaweeds.

Sinabi ni Suzzette Lazo, hepe ng BFAD, sa kanilang pag-susuri sa mga pinanggalingan ng mga pagkain ay wala silang nakitang nagmula sa karatig pook ng Fukushima nuclear plant.

Wala pa umanong pinagbabawal ang BFAD na produkto galing Japan subalit nagdaraos na sila ng random sampling ng mga produkto dahil hindi umano nade-detect ng mga portal scanners ang radioactivity kung wala pang 350 kilos ang kargamento kayat kailangan umanong ilabas at suriin ang pagkain sa laboratoryo.

Sa ulat na pagdating ng 7.6 toneladang milk chocolate sa customs galing Japan noong Marso 12, ang mga kargamentong ito ay tumulak patungong Pilipinas noon pang Marso 4 o bago pa man maganap ang lindol doon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply