Fetus itinapon sa basurahan sa Malate

ISANG fetus ang walang awang itinapon ng walang pusong ina sa isang basurahan sa panulukan ng J. Nakpil at Guerrerro St. sa Malate Maynila, kaninang madaling-araw, Miyerkules, Marso 23.

Nabatid na isang basurero ang nakakita sa fetus habang nangangalakal sa nasabing lugar.

Hinala naman ng pulisya na kakalaglag pa lamang sa fetus nang kanilang makuha dahil sariwa pa ang dugo sa pinagbalutan nitong plastic bag.

Pinaniniwalaang babaeng nagtatrabaho sa bahay-aliwan ang nagtapon ng fetus sa basurahan. Story and photo by Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply