Fetus pinagkasya sa bote, itinapon

ISA na namang fetus ang pinagkasya sa bote ang natagpuan kahapon, Marso 30 sa nakaparadang sasakyan sa Binondo, Maynila.

Tinatayang nasa 3 hanggang 4 na buwang gulang pa lamang ang fetus na nakita ng isang isang vendor na nakilala lamang sa pangalan na “Toro,” sa may kahabaan ng Juan Luna  at Reina Regente sts. sa Binondo, Maynila.

Sa report ni SPO3 Virgo Villareal, dakong alas 5:00 ng hapon nang mapansin ni Toro ang kulay dilaw na plastic bag na may mga damit sa tabi ng nakaparadang sasakyan.

Inakala umano ni Toro na mapapakinabangan ang laman ng naturang palstic bag kaya dinampot niya ito at binulatlat.

Laking  gulat na lamang niya nang tumambad sa kanya ang isang bote na may lamang fetus.

Dahil dito, agad niyang ipinagbigay-alam sa kinauukulan upang maimbestigahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply