Fetus pinagkasya sa garapon

ISINILID sa maliit na  handbag saka pinagkasya sa isang garapon ang isang fetus na natagpuan sa isang estero sa Tondo, Maynila, Huwebes ng umaga, Marso 10.

Nabatid kay PO2 Ramoncito Tolentino na nasa tatlo hanggang apat na buwan lamang ang naturang fetus.

Pasado alas-diyes ng umaga nang makita ang fetus sa Estero de Cabulusan, Old Torres, kanto ng Perfecto St. at Juan Luna sa nabanggit ng lungsod.

Nabatid na isang streetsweeper ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nakakita sa garapon sa estero habang ito ay naglilinis.

Nang buksan ng streetsweeper ang garapon ay ikinagulat nito na isang fetus pala ang laman ng itim na handbag na pinagkasya sa garapon.

Ipinagbigay-alam agad nito ang natagpuan kay Eufracia Briones, chairwoman ng Barangay 154 Zone 14 District 2, na siyang nagreport naman sa himpilan ng pulisya.

Dinala ang fetus sa St.Yvann funeral homes para sa facekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply