Fetus sa loob ng isang bote, natagpuan

NATAGPUAN ng isang residente ng Port Area, Manila, ang isa nanamang fetus na ngayon naman ay nasa loob ng isang bote Linggo ng umaga, Marso 27.

Tinatayang nasa 3 hanggang 4 na buwang gulang ang fetus na natagpuan sa may riles malapit sa 25th St., Zone 5, Barangay 652 ng nasabing lungsod, malapit sa PFT Gasoline Station sa Port Area.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong-7:45 ng umaga nang matagpuan ang nasabing fetus sa loob ng bote.

Naglalakad noon ang isang babae, nang mapuna nito ang nakasilid sa isang malinaw na bote, na noong una’y inakalang isa lamang itong pagkain.

Nang pagmasdan ang loob ng bote, nagulantang na lamang ito sa nilalaman kaya’t agad din niyang ipinagbigay alam sa kanilang barangay bago itinawag sa himpilan ng pulisya.

Gayunpaman, ang fetus ay dinala sa St. Yvan Funeral Morgue para sa maayos na libing, habang patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng ilang barangay official sa lugar upang matukoy kung sino ang walang pusong nagtapon ng kanyang anak. Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply