FEU hari sa UAAP football

MALIIT man, nakakapuwing din! Ito ang napatunayan matapos maipanalo ni Frea Fado, ang pinakamaliit na manlalaro sa panig ng Far Eastern University roster, ang Lady Tamaraws.

Sinikwat nila ang 1-0 victory laban sa University of Santo Tomas Tigresses sa kanilang UAAP women’s football championship match na ginanap sa Ateneo Erenchun field.

Ang kaisa-isang goal ng Lady Tamaraws sa nasabing laban ay sapat na para makuha ang korona.

Nabatid na ang 20-year-old na si Fado ay nakadale ng goal sa 16th minute nang makalusot sa depensa ng Tigresses at makapasa kay left winger Sharmaigne Saluria.

“Alam kong kaya ko nang maka-score kasi hindi na mahahabol ng defender ‘yung pasa,” ayon kay Fado na tubong Koronadal City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply