Thia Megia muling napabilib ang hurado sa American Idol

NAPAHANGA uli ang mga hurado ng American Idol Season 10 ni Fil-Am Thia Megia sa kanyang performace kahapon.

Kinanta ng 16 taong gulang na pinoy ang “Heat Wave” na pinasikat ng grupong Martha and the Vandellas.

Noong nakaraang linggo ay puro negatibo ang kanyang natanggap na mga komento mula sa judges subalit naisalba pa rin siya dahil sa dami ng bumoto sa kanya.

“I need you to dig even deeper each week. Part of performing is acting and you have to bring that every time. Now I know you got it in you”, ayon kay judge Jennifer Lopez.

“You took a chance tonight. You can really sing. You moved up a notch tonight. Push! It’s about taking chances…You just have to believe,” komento ni Jackson na pinakamahirap pasayahin na judge ng patimpalak.

“You’ve taken a step out, I love it”, ito naman ang maikling bulalas ni Steven Tyler dahil sa sobrang paghanga sa performance ni Thia.-marjorie dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply