Fil-Am Mark Muñoz lalaban sa UFC

LALABAN si UFC Middleweight Mark Muñoz sa UFC Live bukas ng umaga, Marso 5.

Makakalaban ng tinagurian “The Philippine Wrecking Machine ” si CB “The Dobberman” Dollaway sa Louisville, Kentucy, USA.

Inaasam ni Muñoz na manalo sa labang ito dahil magbibigay daan ito sa kanya para makaharap si UFC middleweight Champion Anderson “The Spider” Silva.

Sa kasalukuyan, ninanais ng UFC na pumunta sa Pilipinas upang mapalaganap ang naturang sports sa bansa.

Si Mark na lamang ang natititrang Pilipinong manlalaro sa UFC matapos bitawan ng kompanya ang mga kababayang sina Brandon “The Truth” Vera at Phillipe “The
Filipino Assassin” Nover.

Naging 2-time wrestling champion sa California at back-to-back NCAA division 1 All-American wrester ang nasabing fighter. Siya ang kauna-unahang purong pinoy
ng naging kampeon sa larangan ng wrestling sa NCAA division 1. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply