Fil-Am NBA Miami coach inisnab si Bosh

INISNAB ni Fil-Am NBA Miami Coach Erik Spoelstra ang mga komentong binitawan ni Chris Bosh sa isang press conference matapos malasap nila ang kanilang ika-limang sunod na pagkatalo.

Si Bosh ay humihingi ng mas madalas na makuha ang bola sa low-post para umano makaiskor siya ng mas marami.
Dagdag pa nito, mas makakatulong umano siya sa team kung madalas niyang hawak ang bola sa court. Epektibo umano siya sa ganung sitwasyon noong nanduduon pa siya sa Toronto Raptors.

“We need more paint opportunities, not just from Chris, but from all of our guys working together”, ayon naman kay Spoelstra.

Sa isang team practice, napagkasunduan nina Lebron James at Dwayne Wade na pwede naman nilang pagbigyan ang kahilingan ng kanilang teammate.

“Chris can always voice his opinion. If Chris wants the ball then he can ask for it and he can get it. If Chris wants the ball and wants to be more aggressive and wants to be more inserted into the offense, all he has to do is ask for it. When’s he’s productive, we’re a better team”, pahayag ni James.

Nakatakdang makasagupa ng Miami Heat ang Los Angeles Lakers ni Kobe Bryant sa Biyernes, Marso 11, 2011. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply