Fil-Spanish striker gigil ng lumaro sa Azkals

GIGIL na ang bagong Philippine Azkals team member na si Filipino-Spanish Angel Aldeguer para makalahok sa grupo.

Katunayan ay hinihintay na niya ang pagpayag ng Asian Football Confederation (AFC) para makasama na siya sa Nationals sa kanilang Challenge Cup Group Stage.

Subalit kahit wala umanong approval, pakiramdam niya ay isa na siyang Azkal.

“Yes I am already an official member of the Azkals,” pahayag ng 6’2” Spanish-speaking striker na pinsan ni Rafael Garcia na siyang tumayong translator niya.

Nabatid na mayroon ng Philippine passport si Aldeguer at nais niyang katawanin ang bansa sa Challenge Cup.

Haharapin ng Azkals ang Myanmar kapag nalampasan nila ang Mongolia Blue Wolves sa second leg ng Cup qualifiers. Remate Online

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply