Filoil Flying V Premier Cup

SASALIDA na sa Abril 9 ang pinakamalaiking pre-season tournament na pagsasagupan ng mga collegiate ball teams sa Filoil Flying V arena sa San, Juan City.

Ang torneyo na nasa ika-5 taon na ay kalalahukan ng hindi bababa sa 17 teams mula sa UAAP at NCAA league at ng guest team na Lyceum Pirates.

Mangunguna sa mga kalahaok ang Ateneo Blue Eagles, De La Salle Green Archers, Far Eastern University Tamaraws, University of Santo Thomas Growling Tigers at National University Bulldogs mula sa UAAP at ng mga top teams ng NCAA na San Beda Red Lions, San Juan De Letran Knights, Mapua Cardinals, Jose Rizal University Heavy Bombers at ng kampeon na San Sebastian Stags.

Sa junior version, 2 guest teams mula sa 16-under at 13-under PHL Youth Squads ang nagpahayag din ng paglahok.

Sa rookie players naman ay kakaliskisan sina Kiefer Ravena ng Blue Eagles, Jeric Teng at Kevin Ferrer ng Growling Tiogers, Ray Parks ng Bulldogs at Baser Amir ng Red Lions.

Sasampa rin ang mga bagong team coach na sina Jerry Codiñera sa University of the East, Arthuro Valenzona sa San Sebastian College, Eric Altamirano sa National University, Bert Flores sa FEU at Ricky Dandan sa UP State university. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply