Finance secretary ipapatawag sa Kamara

IPATATAWAG ng mga kongresista si Finance Secretary Cesar Purisima sa Question Hour kung tutol ito sa rekomendasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na iurong ang kautusang magsumite ng Annual Information Return (AIR) ang mga mamamayan.

Iginiit ni Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na humarap si Purisima sa Question Hour kaugnay sa kontrobersyal na AIR regulation na inisyu noong March 1, 2011.

Ito ay matapos irekomenda ni Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares na bawiin ang Revenue Regulation 02-2011 na nag-uutos sa mga mamamayan, resident aliens, at non-resident aliens na may negosyo sa bansa na magsumite ng AIR.

“It is a caveat, a manifestation that if the Secretary of Finance does not approve the recommendation of the BIR commissioner to withdraw RR 02-2011, then we will proceed with the Question Hour,” ani Gunigundo.

Nilinaw ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas, chairman ng komite, na ang pahayag ni Gunigundo ay hindi isang pananakot kungdi pormal na manipestasyon.

Naunang sinabi ni Gunigundo na bagama’t nagtitiwala siyang agad mag-i-endorso si Henares kay Purisima ukol sa pagbawi sa AIR regulation ay wala pa ring kasiguraduhan kung papayag dito ang kalihim.

“The regulation still stands.”

Nakapaloob sa Section 123, Rule XVII ng House Rules ukol sa Question Hour, ang isang pinuno ng departamento ay maaaring ipatawag ng komite upang magbigay linaw sa isyung isinusulong ng mga mambabatas.

Sa imbitasyon ay nakasaad ang partikular na tanong at nakatakdang humarap ang hepe tatlong araw matapos nitong matanggap ang request.

“The Order of Business shall specify the subject of the questions, the department head requested to answer them, and the proponent(s) thereof.”

Nakasaad sa kontrobersyal na Revenue Regulation No. 02-2011 na dapat maghain ng AIR ang lahat ng individual taxpayers na kumikita ng hindi bababa sa P500,000.

Nangako si Henares na agad niyang isusumite kay Purisima ang rekomendasyon na iurong ang kautusan na ayon sa mga mambabatas ay “unconstitutional and unlawful.

“We will recommend to Secretary Purisima that the regulation be withdrawn,” banggit pa ni Henares sa nagdaang pagdinig ng komite. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply