Firetruck, bombero kulang – BFP

SA PAGSISIMULA ng Fire Prevention Month ngayon, Marso 1, inamin ng Bureau of Fire Protection (BFP) na 50 porsiyento ng mga munisipalidad sa buong bansa ang walang firetruck.

Sa pahayag ni BFP Director Rolando Bandilla Martes ng umaga, Marso 1, sa pormal na paglulunsad ng Fire Prevention Month sa UP Bahay Alumni sa Diliman, Quezon City,  sinabi niya na mayroong  1,800 na firetruck ang Pilipinas, subalit may 1,000 lamang ang gumagana.

Bukod pa dito, aminado rin si Bandilla na kulang rin ang bansa ng mga bumbero.

Ayon kay Chief Supt. Santiago Laguna, director ng NCR-BFP, nangangailangan ang bansa ng 4,000 na bumbero para matugunan ang kakulangan dito.

Aniya, kung susundin ang bilang na 90 milyong populasyon, dapat ay 45,000 ang bilang ng mga bumbero subalit sa kasalukuyan ay may 17,000 bumbero lamang ang BFP.

Ayon pa kay Bandilla, sa buwan pa lamang ng Enero 2011 ay naitala na ang may 686 na kaso ng sunog sa buong bansa at 74 na katao na ang ang nasawi sa mga sunog na ito.

Umabot na rin sa P240 milyon ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng apoy. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply