Fish vendor pinagsasaksak ng 4, tigok

ISANG 50-anyos na fish vendor ang namatay matapos sugurin at pagsasaksakin ng ice pick ng apat katao Lunes ng gabi sa Malabon City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak ng ice pick sa iba’t ibang parte ng katawan si Loui Ignacio, 50, ng Manapat st., coner C-4 road Tañong, nasabing lungsod.

Inatasan naman ni Supt. Cornelio Barrios, ang kanyang mga tauhan na arestuhin ang mga suspek na nakilalang sina Gilber Gabriel Diaz, “aka Danny Boy” at ang live-in nitong si Rose Ann Go, pawang ng nasabing lugar at ang dalawang kasamahan nito na hindi pa batid ang mga pangalan.

Sa imbestigasyon ni P03 Edsel Dela Paz, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, ganap na alas-10 noong Lunes ng gabi nang mangyari ang pananaksak kay Ignacio sa kahabaan ng Manapat kanto ng C-4 road  Brgy.Tañong, Malabon.

Nabatid na humahango lamang ng isda noon si Ignacio nang tarayan umano ni Rose Ann sa hindi malamang dahilan.

Kinampihan agad ni Gilber ang kanyang asawa at  agad nagbunot ng ice pick sa kanyang tagiliran at sunod-sunod na tinarakan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Mabilis na dinala ang biktima sa nasabing pagamutan, habang ang mag-asawa at ang dalawa pang kasamahan nito ay nagsitakas sa iba’t ibang lugar. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply